last Thursday Night (err, Friday madaling araw)
Kasi naman, hindi ko ata kaya na hindi ikuwento itong bagay na ito. I have to leave it out my soul, at least. Wala namang makaka-intindi kasi sa akin kung sasabihin ko sa iba eh, magagalit and mandidiri lang sila..
Ganito kasi iyon, nung thursday night, nagpa-taphouse kami, victory party daw. so sige, pumunta ako. Pagdating ko doon, marami nang tao. Kinausap ko iyong iba. Tas maya't-maya tinawag ako ni Patrick, then hinawakan niya kamay ko sabay intertwine ng fingers, then pinaakbay niya ako sa kanya. Sabi ko, "lasing ka na ba?" sabay tawa at alis. Haha.
Mejo may something kasi ata sa amin ni Patrick eh. Matagal na, nung xmas pa. Di ko alam kung maxado lang akong ambisyosa at feelingera pero kasi naman, sa mga sinasabi at kinukuwento niya sa akin noon, para bang may underlying message. Noong una, gusto kong i-ignore, pero ngayon, ang hirap na.
Mas tumindi ito nung nanood kami ng fireworks display. 8:30pm pa lang, tapos na ang display, pero tumambay pa rin siya sa bhaus namin hanggang alas onse ng gabi. Nakipag-kwentuhan at ang daming napag-usapan! Sabi pa niya, via fb status message, na naging-worth it daw iyong time niya, not a minute wasted. Kaloka, dahil ba sa fireworks or dahil dun sa convo namin? echos teh!haha
Anyway, hayun, balik sa taphouse. Noong mejo nalalasing na ang lahat, nasiyahan naman ako dahil hindi na nila ako kayang yayain ng drinks. So pede akong mag-stay sober the whole night! bwahaha. Maya't-maya, nakasalubong ko si Patrick sa isang sulok ng bar, tas bigla niya akong hinila sa aking waist. Maka-shock, at mejo kinilig ako (pasenxa po sa aking bf), kakaiba kasi hawak niya!haha. ang landi lang oh!haha. di ko kasi alam kung saan ko ilalagay iyong kamay ko kaya inikot ko na lang sa leeg niya. Syempre todo iwas naman ang ulo ko, baka maya't-maya kung ano na ang mangyayari sa amin. Haha. Then dumaan si Mikko, at aktong ibubunggo ang mga ulo namin para mag-kiss. Natawa lang ako at umalis (para kunware patay-mali) haha.
Hinanap ko si Jamal, iyong isa ko pang friend na sober. Ibinulong ko sa kanya na "Jamal, favor, ilayo moko kay Patrick".. na-fifeel ko na kasi na maaring may mangyari sa aming pag lagi kaming magka-dikit, take-note, MAGKA-DIKIT! Natawa si Jamal pero sabi niya pa rin, "oh sige". Inakbayan niya ako para kunwari hindi makalapit si Patrick. Pero bigla akong inakbayan ni Patrick! So in short, silang dalawa na ang naka-akbay sa akin, napatingin ako kay Jamal at natawa na lang kami. Tiningnan ko si Patrick, tinanong ko kung bakit? wala naman siyang sinagot. Si Jamal naman, biglang umalis, INIWAN AKO! waaaaaaaaaaaaa!
Buti na lang, nakita ko si Kuya Jester, dumating sa bar. Nilapitan ko para mag-congratulate at mag-hello! Haha. Hayun, nag-kukuwentuhan, then maya't-maya, dumating na naman si Patrick! At inakbayan na naman ako! haha. Kalurky ka teh! haha.
Bigla niya akong hinila dun sa isang area, mejo nasa harap lang naman nila Kuya Jester at Lawrence. Hayun, hinila ulit ako sa may waist ko.. so ipinatong ko ulit ang kamay ko sa shoulders niya, then inikot sa kanyang leeg. At nag-aatempt na i-kiss ako! Hinug ko na lang siya para hindi matuloy, pero kiniss niya pa rin ako sa aking ulo. Waaaa. windang teh! hahaha.
Tas gina-convince niya ako na gawin daw namin, for fun. Wala naman daw kasing masama eh. Sabi ko pa, haller, pareho tayong may syota. Adik ka! Sabi ko rin na patibayan to ng loyalty. Pero di nya maintindihan. Haha. At talagang nag-aatempt siya! Ako naman, pag malapit na, sisigaw ako ng, waaaa. di ko kaya! hahahaha. sa gilid naman, nakatingin pala sa amin si Ed, sabay parinig na "wag na kasing pakipot, ituloy na" hahaha. Atiiii, mabuang na ko, can you help me get out of here?hahaha.
Tas iyon, after ilang attempts niya, hindi ko talaga masikmura ang mahalikan siya. Ok sana kung wala akong bf, pero haller? meron kaya. at ayoko pag-taksilan ang bf ko :( Kaya todo iwas talaga ako. Pero nung isang beses, nadikit finally ang aming mga lips, waaaaaa! Tas naghalikan na kami.. pero nung ginamit niya ang kanyang tongue, di ko kinaya teh, UMIWAS AGAD AKO! hahaha. Tanong niya pa, anong problema. EH KUNG SAPAKIN KAYA KITA JAN!
Buti na lang, may umawat. Nakaka-iyak! hahaha.
Noong pauwi na, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Ano ba problema nito? tol, di ako ang GF mo. Paalala lang.
Ito na po. Ayoko na pong mag-salita. nahihiya ako! waaaaa :(